by Ronaldo Vivo, Jr.
Isang holdaper ang masasangkot sa krimeng hindi niya ginawa. Sa tulong ng isang kaibigan, susubukan nilang linisin ang anumang ebidensiyang maaaring magdiin sa kaniya. Ngunit sa paglilinis na ito, isang mas marahas na katotohanan ang sasambulat sa kanilang harapan.
"Hinahamon tayo ng akdang ito, madilim na madilim, may ipinapasilip, may ipinapaunawa. May mga nagsasakdal, tayo ang nasasakdal, paano itatanggi? Sa’n nagkamali, saan nagkulang? Saan tayo pupunta kung ayaw manatili sa dilim? Tayo’y may iisang uniberso, kasali rin ang mga hindi natin nakikita o ang ayaw nating tingnan. Salamat, Ronaldo Vivo, Jr. sa iyong panliligalig, may mga mauuntog, sana’y may matauhan." -Jun Cruz Reyes
Size: 5.5" x 8.5"
Pages: 182 pages
ISBN: 978-6218264-34-2
Category: Novel - crime, suspense
For mature readers