
by Ronaldo S. Vivo, Jr.
Sa pagputok ng Himagsikang Pilipino noong 1896, isang mag-iitik at contrabadista sa Bayan ng Pateros--na kapuwa nag-aasam ng mailap na katarungan--ang makatutuklas ng pamamaraan upang masilayan ang Diyos. Sa pagbagsak ng Sanggunian sa kamay ng pinagsamang puwersa ng pamahalaang Kastila at Simbahang Katolika, ipakikilala nila ang Kristong kanilang nakita.
Ang "Narkokristo, 1896" ang unang aklat sa TRILOHIYANG ARSON. Ang Trilohiyang Arson ni Ronaldo S. Vivo, Jr. ay serye ng mga nobelang historikal na nakatali sa tema ng arson—sa metaporikal at metapisikal nitong katuturan. Isa itong pagsisiyasat sa trauma ng nasyon na nag-ugat mula sa pananakop ng mga Kastila, Amerikano, at Hapones. Buhat sa kamalayan ng isang ordinaryong Pilipino, iinog sa tatlong nobela ang diskurso ng pagkabulok ng isang lipunan na minamaniobra ng dahas, mula noon hanggang kasalukuyan.
Size: 5.5" x 8.5"
Pages: 233 pages
ISBN: 978-6218264-36-6
Category: Novel - crime, suspense
For mature readers